Ang Pilipinas ay sikat sa mga kakaiba nitong pagkain mapa-ulam hanggan sa kakanin. Maraming uri ng pagkain ang Pilipinas lalo na sa ibat-ibang probinsya nito. Ang Leyte ay isa sa mga probinsya na may mga masasarap na pagkain lalo na ng mga kakanin. Sa blog na ito makikita niyo ang masasarap na kakanin nga mga taga leyte o ng mga Waraynon.
Chocolate moron ay kakanin na gawa sa tsokolate na binalot sa dahon ng saging. Kadalasan itong nagkakahalaga ng limang piso ang kada piraso. Ito ay masarap na kakanin lalo na sa tuwing pista at pwede ring pampasalubong kung ikaw ay bibisita sa leyte.
Suman latik at kakanin na gawa sa malagkit na bigas na may asukal at gata na kapag naluto ay pwedeng lagyan ng latik na mas nagpapatamis sa suman kay tinawag ito na suman latik. Ito masarap na pasalubong para sa mga mahal niyo sa buhay.
Ang binagol naman ay kakanin na nakabalot sa bau ng ng niyog at ito ay may masarap na latik sa ilalim nito na mas lalong nagpapasarap sa binagol. Ito ay bagay na panghimagas at pampasalubong.
Ilan lang yan sa mga kakanin na pwedeng matikman dito sa leyte. Masasarap at matatamis na kakanin at ang kakaiba nitong paraan ng pagkakaluto. Ganyang ka espisyal gumawa ng kakanin ang mga Waray. Kaya bumisita na kayo sa leyte at tikman ang “ Waray Sweet Delicacies.”